Wednesday, January 13, 2010

TKG



Annabelle, Jennilyn , Amor and I were high school friends.. Mas nauna ko naging kababag este kaibigan si Annabelle sumunod si Amor. Si Annabelle kasi aka "Abey" Aapuhin ang surname, ako naman Abadier so magkasunuran palagi at magkatabi sa upuan. Ay naku unang harap pa lang namin babag na agad... hehehe selfish kasi sa libro ayaw pasama kaya inaaway ko din (Bad ko noh?) pero matalino siya..habang nakakababag ko siya dun ko nagugustuhan ang katauhan nya... palaban, matalino, kenkoy at mabait. Hanggang sa isang araw nakita ko siyang umiiyak... ako naman kahit paano kapag serious na ang tao ramdam ko. So I asked her "What's the problem?" aba ayaw ako sagutin at umiyak nalang ng umiyak. Inasar ko at kinulit hanggang sa magsalita na rin... "Wala kasi ako pambayad sa exam.. hindi ako binigyan ng nanay ko.." natawa lang ako.. sabi ko "problema ba un? hati tayo sa pera ko para makakuha ka ng exam". Una nahihiya pa siya.. kasi nga babag kami dito babag kami doon... pero sa akin naman wala un.. kasi hindi ko naman sineseryoso kapag inaaway nya ko eh.. Na amused lng ako sa knya kasi magkasunuran kmi ng upuan aba eh pinaparada nya sa akin ang test paper nya... kahit hindi nya sabihin ramdam ko na gusto nya akong pasalamatan sa paraang hindi cya nagsasalita.. pero nagreview ako non ha.. di ako nangopya...hehehe... hanggang sa naaaliw na kami sa isa't isa.. kwentuhan doon.. kwentuhan dito... punta ako sa house nila punta siya sa house namin with matching bodyguard este another friend si Janice Miana... hanggang sa dumating sa buhay ko ang isang panggigil... si Jennilyn Repalda... kainis.. un ang una kong nararamdaman ko sa kanya... ay grabe palaban at malakas mang-asar... mang-aagaw ng upuan!!! Repalda siya dapat sa hulihan.. kinumpronta ko siya.. "hey.. diyan ako nakaupo" tapos sagot nya "Eh ano kung sayo to? umuupo lang naman ako ah!" ay grabe kulong kulo ang dugo ko... later on nalaman ko na malabo pala mata nya at kailangan nyang maupo sa upuan ko para makita ang lecture na nakasulat don. Mula noon I let her sit na sa upuan ko at ako nalang ang naadjust... hanggang sa nagkapalagayan na kami ng loob.. as a teenager cyempre andun ung kilig at tuksuhan... magkasundong magkasundo kaming tatlo.. Jennilyn and Annabele were became friends din.. mas malalim pa kesa sa akin hehehe...and take note ha.. kaming tatlo ay parehong Virgo.. Ako unang nagbi-birthday August 24 ako.. Pangalawa si Jennilyn dahil September 10 Birthday nya pahuli si Annabelle. Annabelle that time may other friends din.. si Amor. Si Amor naman pinsan ko pala.. we both have surnamed Abadier. Ayun kwelang kwela at sobrang saya. Iyakan kami nung mag-graduate na.. kasi we all both aware na pwede na kaming hindi magkita o magkasama madalas.. maganda kasi ung samahan namin... until we decided na sa isang school mag enroll at isang course. Annabelle, Amor, Jennilyn And I went to AMA Computer College to take the entrance examinations... dun namin nalaman na may nagtake din ng exam from Lumban Academy si Venus Mercado. So jamming kami pauwi.. balitaan hanggang sa nalaman namin na nakapasa kami sa exams. That time kinausap ako ng tatay at tita Amor na samahan ko si Tita Edna sa pagtake ng exams sa AMA para daw maging magkaklase kami. Si Tita Edna ang bunsong kapatid ng aking ama sa mother side. Nakapasa din cya.. at cyempre niintroduce ko sya sa mga friends ko para maging friend din cya. Meaning, from 4 members naging 6 kami.. Si Annabelle, Jennilyn, Amor, Venus, Edna and me Allegrei. Nag-enroll na kami.. block section pinili namin para magkaklase pa rin. Doon sa section na yun dun namin nakilala si Frieda Bituin, Modessa Palomique, Yetly San Andres, Faye Audrey Custodio.

Ay si Faye ang pusa kong kaklase... madalas kaming mag-away nyan... mataray kasi. Hindi cya patatalo ha.. pero magic pa rin kasi we become closer and closer... hehehe naalala ko pareho kaming cobra look kapag nagkikita eh.. minsan tiger look pa. Si Yetly naman, wala akong masabi...tahimik pero bungisngis. Ang alam ko ang promotor kung bakit nagkalapit-lapit kaming 10 ay dahil kay jennilyn. Sya ang absorber ng lahat ng problema namin.. cya rin ang taga-connect kung sakaling nagkakaron kami ng gap sa iba. Ang isa sa mga pinakagustong - gusto namin ay magpunta sa canteen na mura ang bilihin at kumain ng minani ung kamoteng kahoy. Hanggang sa may nagsuggest kung anong itatawag sa grupo namin. 10 na kmi na puro girls... and gusto namin na mag grow iyon. Sabi ng isang miyembo "kamote"... un ang pangalan ng grupo.. tawanan na ang lahat.. kasi we all agreed na kamote favorite namin past time chicha... "ay grabe naman baka naman pati sa grade mangamote hahaha sabat ng isa.." tawanan na naman.. hanggang sa un ang napagkasunduan.. ang TROPANG KAMOTE GANG... nobody knows that.. kasi hindi namin nirereveal basta TKG un na un.


Kami ang 10 miyembro na kumakatawan sa TKG.. para sa akin may ibang meaning pa ang TKG, ito ay Terrific and Kindly Girls. Yes Indeed! we are all terrific and kind... Lahat kami may iba-ibang ugali pero may iisang puso sa hangarin na magkaroon ng magandang pagkaka-ibigan. Ako, Si Jennilyn, Annabelle, Amor, Venus, Edna, Modessa, Yetly, Frieda at Faye ang TKG.
Nabuo at naging ganap na isa noong taong 1997 hanggang sa ngaun.. bukas at magpakabilang buhay pa man.

Although in reality, may kanya kanya na kaming life... Ako, Si Annabelle, Modessa, Yetly, Edna, Faye at Amor ay may pamilya na we still trying to communicate pa rin naman.. although hindi cyempre katulad ng kayo kayo palang as in sa grupo umiikot ang mundo nakakasilip pa rin ng paraan para magkamustahan.. Si Frieda, Venus at Jennilyn I know they really want to settle down na pero sorry sila.. 3 silang magkakarera, they are still single pa... hehehe anyway, happy naman sila sa status nila.. hindi daw nagmamadali..

No comments:

Post a Comment