Daily Inspirations

Monday, June 14, 2010

Saturday, April 10, 2010

My lolo is back!!!

Last Wednesday, pumanaw na asawa ng Anda Nene ko... Malungkot syempre kasi wala na anda fausto... pero masaya kasi uuwi daw ang Lolo puring ko.. ang ama ng tatay ko. Huling kita ko sa kanya ay dalaga pa ko. Gusto ko talaga makita lolo ko... basta sabik ako makita lolo ko. Unfortunately hindi ako nakapunta sa burol, sabi ng nanay masama daw kapag pupunta ako dun.. nilalagnat kasi ako. Kaya no chance na makita ko cya. Ang tito fred ko naman tuwang tuwa din kasi magkikita na silang mag-ama. Matagal na din silang hindi nagkikita. Umaga pa lang nagpalaba na sa akin un ng pantalon, nagpagupit na rin ng buhok at nagpa ahit ng balbas at bigote sa kapatid ko. Talagang excited tito fred ko. Nagviaje un mag-isa, imagine kaya na pala nyang magviaje from longos to lumban. Malaki na talaga ang improvement nya mula ng kami ang mag-alaga. Lumakas at tumalas hehehe.

Friday ang libing ng anda fausto, talagang bigo na ako makita lolo ko. Kinagabihan, tumawag ang tita amor, sabi nya "Egie, pupunta jan lolo puring, gusto ka raw makita at cna ipe gusto ka rin daw makita ng tito dyun mo" wow, kahit sinasama lumundag ako sa tuwa.. hindi ko alam gagawin ko. naglinis linis ako, dali dali sa pagkilos. Tapos dun ako sa labas ng bahay inaabangan ko na pagdating nila. Ng makita ko lolo ko, wala parin kupas... ang kisig at gwapo pa rin... walang bnatbat ang tatay at tiyuhin ko.. iba talaga karisma ng lolo ko hehehe... punta muna sila kina ipe tapos sa bahay namin, ako naman hindi ko alam gagawin ko.. nagbless na ko pero hindi ko alam kung paano magsisimula ng topic... lumabas ako para puntahan ang anda mini ko.. ang bunsong kapatid ng lolo ko.. pero masama pala pakiramdam ng anda mini kaya lang pagbalik ko... paalis na sila... uuwi na daw sila..saglit lang naman daw sila... parang naguilty ako kasi hindi ko man lang naentertain ng maayos, kaya niyakap ko braso nya at hinatid namin magkapatid kung saan naka park ang sasakyan nya. sabi ko "lolo, musta ka na?" sagot nya "Eto humihinga pa" sabay tawa, ako naman napatawa na rin sabi ko" yeah..striving?!! hehehe"... sabi nya "paano mo nalaman na uuwi ako?" inginuso ko tito dyun ayun tawanan na "kaya pala sabi ni amor paano kaya nalaman na ni egie na uuwi ka tatay?" tanong ko, "eh lo, kailan u huling beses nagpunta dito sa longos?" sagot naman nya "eto ang unang beses kong pagpunta dito..sabay ngiti sa akin" nagngitian na rin kaming lahat... tapos habang pasakay na sa car.. sabi ko "lolo... anting anting ko ha..." napatawa na lolo ko..sabi nya " oo bah, sa pagbabalik ko".

Ang lolo puring ko at ang anda undo ko parehong love ko. sabi ng anda idad kapag daw may nililigawan ang lolo puring ko noong araw, lagi daw nya niyayakag ang anda undo ko kasi anda undo ko magaling mangharana. hehehhe

kaya eto.. aabangan ko ang kanyang pagbabalik!!! hehehe

Sunday, January 31, 2010

NOONG BATA PA AKO

Nakakatuwa, minsan mapapakibit-balikat na lamang ako sa tuwing maaalala ang aking buhay noong bata pa. Kapag naririnig ko ang kwentuhan ng matatanda patungkol sa kung gaano ako kapilya, kakulit, kabait at kasipag noong bata pa.. eh talagang hindi mapakli ang ngiti sa aking labi..

Sabi ng aking nanay, i started to talk straight & funny when i was 1 year old.. magaling daw ang memory ko kahit mahabang salita nabibigkas ko daw... like for example...pinagaya daw ng nanay saken ung kanyang linya na "Florante.. Florante.. simula ng dumating?!" ..nung ako na ang magsalita ganito daw ang pagkakabigkas ko.. "ante..ante.. waaaating?!" ay inaalik-ik daw sa katatawa ang nanay, lolo at lola ko na kung tawagin ko'y anda undo.. at anda idad...

Kwento ng anda idad ko.. masunurin daw ako nung bata... at the age of 4 nauutusan na daw ako bumili ng mga simpleng rekado.. nauutusan na daw ako maghugas ng plato at magwalis and at the age of 5 napagkakatiwalaan na daw ako utusan sa palengke...

Sabi ng nanay saken...kapag daw ako ang nautusan sa palengke masyado daw akong matinik sa sukli..sabi ko bakit ano ba ginawa ko non? sabi ng nanay gulat daw ung tindera doon sa palengke.. sabi daw sa nanay " oy, rosie... anak mo baga ung batang laging nabili dito na kalegie ang pangalan? aba talagang hinding hindi maloloko sa sukli eh.. kahit betsingko ang sukli kinukuha pa!" ng malaman ng nanay na ganoon pala ay natatawa na lamang.. hehehe

Un ay ilan lamang sa naaalala ng nanay ko. Ako naman... naaalala ko ung pinasali ako ng nanay ko sa amateur contest... singing and dancing ang talent ko na puro consolacion prize hehehehe .. naalala ko pa hanggang ngaun un dance step ko ha.. naaalala ko din un halos magpakahulog ako sa hagdan mula itaas pababa.. siguro sampung baitang ata un na kahoy tapos dalawang hagdan na bato... ayun.. bukol-bukol para lamang maisama ng anda idad, ganun din ang style ko para maisama ng anda undo...gusto kong sumama sa anda undo ko sa pamimingwit ng isda, sakay ng kanyang bangka...gusto ko ang ang sumagwang at itampisaw ang aking paa at kamay sa ilog na talagang ikigagalit ng anda undo ko at baka daw ako bumaligtad sa bangka. Gusto ko ang sumama sa anda idad ko pagtitinda ng ginataang hipon bago mananghali... ako ang tagasigaw ng "hipon!! hiponn!! bili kayo ng hipon bagong luto!!", tapos pagka hapon kasama ako ng anda idad sa pagdadasal bahay-bahay kasama ang iba pang mangdarasal, kasama din ako sa pagpapakulot ng buhok sa anda kusya...kasi kinukulutan ako ng libre ng anda kusya...

Palagi din ako nagpupunta sa bahay ng anda valeria ko...cya ung tyahin ng tatay ko na tumayong ama at ina. Kapag ako andun na... gustong gusto ko ung tatawagin ako ng anda ko.."oy kalegie..halika nga dito at bunutan mo ako ng puting buhok... ay sampung ubang ay betsingko ha." ako'y ganadong ganado sa pagbunot.. nakakapiso ako nun maghapon.. tapos kapag dun na ako naglalagi.. sasabihin non " oy kalegie ikay umuwi na, tulungan mo nanay mo hala uwi na" cyempre uuwi na ko.. lakad un mula primera pulo hanggang maracta.

Si nanay that time ay mananahi pa ng anda valeria... aalis ng maaga at uuwi ng hapon na. Si tatay naman tumutugtog pa sa Sulivan.. pianist cya dun sa calamba lingguhan kung umuwi.. kaya ang atensyon ko ay nasa lolo at lola ko... may kapatid na rin ako nun.. dalawang lalake.. si vivo at si esto na baby pa..

Nasanay ako sa ganung routine... minsan kalaro mga kapatid ko kapag wala ng ginagawa.. minsan kinukulit ko ang anda undo ko sa pagkwento tungkol sa mga hapon.. kahit paulit ulit ang kwento gusto ko ulit ulitin ang pagkwento non... dun ko nalaman na 3 kapatid ng lolo ko at sya lang ang nakasurvive... ung daw kuya nya si lolo andres ay binata pa ng dukutin ng hapon at patayin.. ang anda undo ko rin ang nagturo sa akin ng unang kanta...un ung "Ang bayan ko" lagi kaming duet non.. kaya ang tawag saken ng anda ko ay "usi.." umusisa ng lang daw ako ng umusisa...hehehe

Mahilig magtanim ang anda undo ko.. sa bakuran andun ang paborito kong puno ng suha, andun ang star apple, ang papaya, ang saging, balimbing at kamias.. paborito ko ang punong saging kasi ang saha non ay lumalaylay na pwede kong pagbitingan na sa ilog ang bagsak.. tabing ilog kasi kami nakatira. At kapag nalaman ng nanay na kami'y sa ilog naliligo naku para na kaming palaka sa pagiwas sa palo ng nanay... kung saan saan kami nakakarating makaiwas lang sa palo ng walis tingting..

Masaya ang life ko nung bata pa.. nang nasa elementary na ko nagkaroon na ko ng mga barkada na taga ibayo... minsan niyayakag ako manguha ng bignay at pipino... atkapag walang pmbyad sa bangka.. no choice kundi ang tawirin ang ilog.. malakas ang loob ko noon.. kahit hindi magaling lumangoy basta may kawayan akong dala na pwede kong kapita nkapag nakakaramdam na ng pagod...

Hindi alam ng nanay o ni tatay na naranasan ko din ang mamulot ng basura.. kasama ko mga pinsan ko at kalaro.. punta kami sa basurahan.. pulot ng plastic..pako o kahit anong metal na pwedeng ipagbili. nakaka tres kami non o kaya limang piso.. naranasan ko din ang mamingwit mag-isa... pinaggawa kasi ako ng anda undo ko ng pamiwas na kawil ang dulo..tapos ako na ang bahala sa paing.. kuha ako bulate matataba dun sa putikan tapos ilalagay sa lata. Paborito ko rin ang tirador.. meron ako non palagi nung bata pa na nakasakbat sa leeg... ginawa din ako ng anda undo ko ng tirador..

Naalala ko, tinuruan din kaming dalawa ni vivo ng tatay na mamaril... ung de oxygen pa.. tapos ang babarilin namin ung palaka sa loob ng lata. Pero ang mas natuto eh ang kapatid ko.. hehehe..

Sabi ng nanay, nung 7 months palang daw ako... nagkaroon daw ako ng karamdaman... na ikipayat ko ng husto, lumaki daw ang tyan ko at nanglalim ang mata... kung saan saan na raw ako ipinagamot.. sa doktor at sa albularyo... sabi ng nanay sumuko na daw sila ng tatay at tanggap na ang magiging kapalaran ko...kulang nalang ay ihain ako kay God. Nakatira kami nung time na un sa longos...kami palang daw ang nakatira dun at puro kahuyan daw ang paligid. Sa awa saken ng anda idad ko.. inuwi nya ko sa lumban, dun ako pinaglagi.. kapag daw ako pinagtatanong kung kaninong anak... hindi daw masabi ng anda at talagang kahinulos hinulos ang itsura ko... kung sa mga nakakakita... mas matamang sabihin na naaawa sila sa akin. Himala at doon ako gumaling.. lumaki ako at nagkaisip na katabi sa pagtulog ang anda undo ko at anda idad... kahit na andiyan ang nanay ko at tatay.. gusto ko lagi akong katabi nung dalawa sa pagtulong...kahit nung highschool ako, college at hanggang ngaun gusto ko kalapit anda idad ko paghiga kasi nagpapahele ako bago matulog.

Ng mamatay ang anda undo ko nung highschool ako.. laking lungkot ko.. kasi bago sya namatay nagkaroon cya ng sama ng loob saken.. o mas tamang nagtampo sya sken. Abot abot ang paghingi ko ng sorry sa kanya kaya lang late na. Tuloy naalala ko kung paano nya ko inalagaan , kung paano nya ako minahal bilang apo... naalala ko nung nabaril ako sa binti nung first year highschool ako... wala noon si tatay nasa maynila nagluwas ng tahi.. ang nandun lang ay nanay at ang tiyo nick... ng mabaril ako nagpanic agad ang nanay, nerbyosa kasi talaga ang nanay, ang anda undo ko andun umaalalay palagi. 2 months ako sa provincial hospital.. may semento ang paa at nilagyan ng bakal.. ng ako'y makalabas na at tinanggal na ang semento.. pinagprovide ako ng anda undo ko ng saklay.. natouch ako sa ginawa ng anda ko...

Hanggang ngaun naaalala ko ang anda kahit sa panaginip nagpapakita cya... sabi ng anda idad ang gusto nya kapag cya ang namatay ako ang magsasalita sa simbahan. Kapag naiisip ko un lalo akong nalulungkot... ang anda idad kasi ang lagi kong kakampi, kahit ng mag-asawa ako cya palagi ang kumukunsinti sa akin... haay... yan ang kwento ko ngaun taon.. ang tungkol sa aking buhay noong bata pa.

Welcome

Hi... I'm Allegrei Abadier Fernando... yes.. it's definitely my first time to create a blog. I'm kinda excited and really curious on how this blog can help ourselves. Though i'm a beginner... I am beginning to like it.. Have fun reading my blog post...Thanks!