Ang Pagsibol ng pag-asa sa ating buhay ay panimula lamang ng makabagong hamon na ating tatahakin…Maaaring ang landas na ito’y magdudulot ng malaking pagbabago hindi lamang sa ating isipan kundi na rin sa ispiritwal na paniniwala.
Ngunit paano nga ba natin mabibigyan ng
katuparan ang ating adhikain kung ang puso natin ay puno ng galit at kasakiman?
Isang malaking hamon sa ating
pagkatao… malaking katanungan na sumasaklaw sa ating nakaraan pati na rin sa
kasalukuyan.
Hindi ko ibig na iparinig sa
lahat ang aking nararamdaman ngunit nais kong ipamulat sa lahat na tayo’y ay
isinilang kaakibat ang buhay at pag-asa na ipinagkaloob ng ating panginoon.
Ang buhay ay pag-asa…
Ang pag-asa ay kayamanan…
Ito’y dapat natin ingatan at
mahalin…
At sa tulong ng ating
panginoon.. ating matitikman ang kapayapaan at katahimikan maging sa kabilang
buhay pa man.
No comments:
Post a Comment